Part 9 - "From Whence He Shall Come to Judge the Living and the Dead"
The Apostles' Creed • Sermon • Submitted
0 ratings
· 50 viewsNotes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
Introduction
Introduction
Mahalaga ang pag-aaral natin ng Apostles’ Creed hindi lang para mas maunawaan natin kung ano ang pinaniniwalaan natin tungkol kay Cristo at sa kanyang gawa para sa atin. Mahalaga rin ito para masanay tayo kung ano ang ituturo natin sa iba. Si Cristo ang laman ng preaching natin. Kung sino siya—tunay na Diyos at tunay na tao. Kung ano ang ginawa niya—namuhay na matuwid, namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, nabuhay na muli para tayo na sumasampalataya sa kanya ay mapatawad sa ating mga kasalanan, maituring na matuwid sa harap ng Diyos, at magkaroon ng buhay sa pakikipag-isa natin kay Cristo. That is the core of the gospel na ibinabahagi natin sa mga tao, at ipinapaalala sa mga kapatid natin kay Cristo.
Pero tulad ng napag-aralan natin last week tungkol sa nagpapatuloy na ginagawa ni Cristo para sa atin sa kanyang pag-upo sa kanan ng Diyos, kailangan ding ipaalala natin sa bawat isa—tayo na mga nag-iistruggle pa sa kasalanan, pinanghihinaan ng pananampalataya dahil sa sari-saring mga pagsubok sa buhay—na si Cristo ay nagpapatuloy na namamagitan sa atin at sa Diyos. Patuloy siyang nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Bibliya at ng Espiritu, nananalangin nang personal para sa bawat isa sa atin, at namamahala sa buhay natin...at sa buong mundo.
Pero mukhang hindi sineseryoso, at tila binabalewala ng napakaraming tao ang pamamahala ni Jesus. Patuloy pa rin sa pagrerebelde sa kanya, patuloy sa pamumuhay na para bang ang hangarin ng bawat tao ang nasusunod, patuloy ang katiwalian sa gobyerno, patuloy ang mga injustices, patuloy na naghahari ang kasamaan at tila natatabunan ang kabutihan. So, in proclaiming the gospel to unbelievers, sasabihin natin sa kanila hindi lang kung ano ang ginawa ni Cristo, kundi kung ano rin ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik.
Ganito ang preaching ni apostle Peter kay Cornelius at sa kanyang sambahayan:
Ibinigay ng Diyos ang kanyang salita sa mga Israelita. Ipinahayag niya sa kanila ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na siyang Panginoon ng lahat! [Remember yung Creed? “And in Jesus Christ, his only Son, our Lord.”] Alam ninyo ang pangyayaring naganap sa buong lupain ng mga Judio, na nagsimula sa Galilea pagkatapos na ipangaral ni Juan ang mensahe tungkol sa bautismo. Alam ninyo ang tungkol kay Jesus na taga-Nazaret at kung paanong pinili siya ng Diyos at pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na pumunta siya sa iba't ibang dako upang gumawa ng kabutihan sa mga tao at pagalingin ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo. Nagawa niya ang mga ito sapagkat kasama niya ang Diyos.
Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Siya'y pinatay nila; siya ay ipinako nila sa krus. [Remember the Creed? “Was crucified, died and was buried”] Ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at hinayaang ipakita ang sarili, hindi sa lahat ng tao, kundi sa amin na mga pinili ng Diyos bilang mga saksi na nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya'y muling mabuhay. [Remember the Creed? “The third day he rose again from the dead.”] Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay. (Acts 10:36-42)
“Siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay.” ‘Yan ang dahilan din kung bakit sa six articles ng Christology sa Creed—na sumasalamin sa biblical at apostolic teaching—ay ito ang panghuli: “From whence (heaven) he shall come to judge the living and the dead”; “Mula roon (sa langit) siya ay paparito upang hukuman ang mga buhay at mga patay”; “inde venturus (est) judicare vivos et mortuos.”
Naniniwala tayo dyan, alam nating mangyayari, pero hindi rin natin masyadong pinagbubulayan. Sinabi ni JI Packer na itong pag-asa natin sa pagbabalik ni Cristo ang nagbibigay ng “thrill” o excitement sa mga New Testament Christians. Meron daw three hundred references sa NT tungkol diyan, one every thirteen verses. Pero para sa atin ngayon, hindi siya ganun ka-exciting pag-usapan, at minsa’y kinahihiya pa (Affirming the Apostles’ Creed, chap. 13).
Bakit kaya? Isang posibleng dahilan ay dahil sa negatibong naging epekto nung nauso several decades ago ang mga usapin tungkol sa end times. Kung anu-anong signs ang sinasabi nila, may date-setting pa, saka speculations kung sino ang Anti-Christ. Nagkaroon ng maraming speculations, kaya ngayon parang ayaw nang pag-usapan ng maraming Christians kasi marami nga naman daw tayong hindi alam talaga sa mga detalye ng tungkol sa pagdating ni Jesus. Although medyo nare-revive yung ganyang mga usapin dahil sa pandemic, at yung sinasabi ng iba na itong vaccines daw ay yung 666 sa Revelation. Haynaku!
Pero para sa mas maraming Christians, ang nagiging dahilan ay yung preoccupation sa mga kasalukuyang nangyayari. Concern lang tayo sa future kung immediate future ang pag-uusapan. Kelan kaya matatapos ang pandemic? Okay na kaya next year? At kung second coming ni Christ ang pag-uusapan, parang irrelevant sa marami. Pero ayon nga kay Albert Mohler, mas maiintindihan lang natin yung “present” kung aalalahanin natin yung “past” at sabik na aabangan yung “future.” “This understanding of the future is necessary in order to understand how we can live, how we can love, how we can hope, and how we can be faithful in the present. Both past (the gospel events) and future (the return of Christ) explain the present” (The Apostles' Creed, p. 123). Ayon naman kay Michael Bird, mahalagang maintindihan natin ang ending ng story. Story ng Bibliya at story ng buhay natin. “It is the end of the story that tells you what the story was really about in the first place” (What Christians Ought to Believe, chap. 11).
Masyado tayong pre-occupied with the present, masyado tayong nakatingin sa mga bagay sa mundong ito ngayon. Dapat, ayon kay Paul, “sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios. Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay...Si Cristo ang buhay ninyo, at kapag dumating na ang panahon na nahayag na siya, mahahayag din kayo at makikibahagi sa kapangyarihan niya at karangalan” (Col. 3:1-2, 4 ASD).
To help us reflect and pay attention sa pagbabalik ni Cristo, sagutin natin ang mga tanong na ito:
Kailan siya babalik?
Paano siya babalik?
Sino ang babalik?
Ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?
Ano ang dapat nating gawin habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik?
Notice na ang focus ng pag-uusapan natin ay nakay Cristo.
Kailan siya babalik?
Kailan siya babalik?
Hindi ko alam. “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[a] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito” (Mat. 24:36).
Soon. Kung noon pa malapit na, e di lalo na ngayon!
May mga signs. Gospel proclamation to all nations. Matt 24:13. Acts 1:7-8.
Paano siya babalik?
Paano siya babalik?
From heaven, physical, visible for all to see.
In glory: Nicene Creed: and He shall come again, with glory, to judge the quick and the dead; whose kingdom shall have no end.
WLC 56: How is Christ to be exalted in His coming again to judge the world? Christ is to be exalted in His coming again to judge the world, in that He, who was unjustly judged and condemned by wicked men, shall come again at the last day in great power, and in the full manifestation of His own glory and of His Father’s, with all His holy angels, with a shout, with the voice of the archangel, and with the trumpet of God, to judge the world in righteousness.
“Sa maluwalhating pagdating ng Anak ng Tao, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian” (Matt. 25:31). Son of Man in Daniel? Daniel 7:13-14.
Sino ang babalik?
Sino ang babalik?
Faithful and True (Rev. 19:11).
The Word of God (Rev. 19:13).
King of kings and Lord of lords (Rev. 19:16).
Ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?
Ano ang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?
“For the Father judges no one, but has given all judgment to the Son...And he has given him authority to execute judgment, because he is the Son of Man. Do not marvel at this, for an hour is coming when all who are in the tombs will hear his voice and come out, those who have done good to the resurrection of life, and those who have done evil to the resurrection of judgment” (John 5:22, 27-29).
2 Corinthians 5:10, For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each one may receive what is due for what he has done in the body, whether good or evil.
WCF 33.1: God hath appointed a day, wherein He will judge the world in righteousness by Jesus Christ, to whom all power and judgment is given of the Father. In which day, not only the apostate angels shall be judged; but likewise all persons, that have lived upon earth, shall appear before the tribunal of Christ, to give an account of their thoughts, words, and deeds; and to receive according to what they have done in the body, whether good or evil.
“Tipunin sa harapan niya ang lahat ng mga bansa at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig… Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko, kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon” (Mat. 25:32-34, 41).
41 Horton: Our Redeemer's ascension and reign at the Father's right handis not only good news for believers in their trials; it is bad newsfor the unrepentant. Raising the subject of judgment is a difficultbusiness in any period. It is especially challenging during thistime when the church has vacillated between the extremes of aself-righteous spirit of judgmentalism and utter silence about thereality of the wrath to come. 145
Ano ang dapat nating gawin habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik?
Ano ang dapat nating gawin habang hinihintay natin ang kanyang pagbabalik?
WCF 33.3: As Christ would have us to be certainly persuaded that there shall be a day of judgment, both to deter all men from sin, and for the greater consolation of the godly in their adversity: so will He have that day unknown to men, that they may shake off all carnal security, and be always watchful, because they know not at what hour the Lord will come; and may be ever prepared to say, Come, Lord Jesus, come quickly. Amen.
Be watchful. “Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon” (Mat. 24:42, 44). “Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo” (1 Pet. 1:13). Packer: If Boy Scouts can learn to live realistically in terms of the motto “Be prepared” for any ordinary thing that might happen, why are Christians so slow to learn the same lesson in relation to the momentous event of Christ’s return? Bird: But in the interim, we are called to imitate the one whom we anticipate and to remain ever watchful for the dawn that will one day break upon us. We may hope for many things in the future, like getting a drivers license, going to college, graduation, marriage, children, or retirement. Yet our deepest longings should be for the return of the bridegroom to take us, his bride, into his home. For where our deepest longings are, there our heart is also.
Repent and believe. “The times of ignorance God overlooked, but now he commands all people everywhere to repent, 31 because he has fixed a day on which he will judge the world in righteousness by a man whom he has appointed; and of this he has given assurance to all by raising him from the dead” (Acts 17:30-31). “Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na ang bawat sumampalataya sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan” (Acts 10:43). And preach the gospel, call all men to repent. Heb 9:27-28.
Find comfort. Comforting Doctrine: HC LD 19 Q52: Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo na “muling babalik si Cristo upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay”? Sa lahat ng aking kapighatian at kahirapan ay tumitingala ako at may pananabik akong naghihintay sa Hukom na mula sa langit na siya rin namang nagpasa-ilalim sa kahatulan ng Diyos alang-alang sa akin, at nag-alis ang lahat ng sumpa mula sa akin. Itatapon Niya ang lahat ng Kanyang kaaway at aking kaaway sa walang hanggang kaparusahan, ngunit ako at ang lahat ng Kanyang hinirang ay daldalhin Niya sa Kanyang presensiya sa kagalakan at kaluwalhatian ng langit. "The coming of [Christ] means the coming of the end—the end of suffering, the end of depression, the end of cancer, the end of loneliness, and the end of sinning. Christ’s return also means a beginning—the beginning of ceaseless praise, the beginning of perfect communion with God, and the beginning of delight that increases forever. In short, the beginning of the joyful end that never ends." DeYoung, Chap. 19. Comfort others, “Therefore encourage one another with these words” (1 Thess. 4:18).
Live in holiness. Tit. 2:11-14.
Gather with the church. Heb 10:24-25. The Lord’s Supper, 1 Cor. 11:26.
The fact that Christ is coming “whence to judge the quick and the dead” tells us that we are not going to have our best life now, nor should we look for it. For those who have their best life now are going to face a very different life in the age to come. We sing, we read Scripture, we share the gospel, we preach the Word against the backdrop of the coming kingdom. We can eat, drink, serve, and sleep with confidence only because we have assurance that we know the future. That future is Jesus Christ, and we are safe in him. Mohler, R. Albert . The Apostles' Creed (p. 132). Thomas Nelson. Kindle Edition.